Tuesday, January 27, 2009
ang balsahan picnic
ANG BALSAHAN PICNIC: Isa ito sa tunay na hindi malilimutan kapag ikaw ay taga balsahan. Sa kaunting ulam tulad ng sardinas (ligo) ay hahaluhan na katakot-takot na sibuyas at isang baldeng tubig ay ulam na at picnic na. Sino ang makakalimot sa isang latang corned beef ay hahaluhaan lang ng tatlong ulo ng repolyo at isang baldeng tubig ay picnic na.Ito ay buhay saya ng mga taga balsahan noong araw na sa saglit na pag sasalo ay ating naidadaoos ang tawanan at pagkakaibigan.Ang sabi nga sa isang sikat na kanta ngayon " SANA'Y MAULIT MULI"........DING REYES
Sunday, January 25, 2009
balsahan bulungan
ANG BULUNGAN: Ito ang Balsahan Bulungan na halos sa ating henerasyon ngayon ay ating na gisnan na pinangasiwaan ng ating Kaka Trining. Ang tanging hanap-buhay na halos lahat ng taga balsahan ay nakinabang sa kaunting ulam na maiabot ng Kaka Trining sa atin na may kasamang mura ng pagmamahal. Nang namayapa na ang Kaka Trining ang ating Kuya Lito Reyes na ang siyang nag-asikaso nito hanggang noong nakaraang taon. Magugunita na sa buong bayan ng Naic, tayo lamang sa Balsahan ang may bulungan, subalit sa pagbabago ng panahon ay masyado ng nahirapan pumasok sa dulo ng Bucana ang mga bangka at ang mga bulungan ay naglabasan sa mga baybay-dagat tulad ng BAROK BULUNGAN ,ay siyang hanguan ng mga sariwang isda sa Naic ngayon. Kaya ang BALSAHAN BULUNGAN ay tuluyang ng isinara noong nakaraang taon ( 2008) ng mga Reyes. Ganun pa man ang bulungan sa Balsahan ay hindi malilimutan at sana ay maging daan ito sa ating mga kuwento sa mga kaanak na darating pa sa susunod na henerasyon.......DING REYES