Monday, February 9, 2009

BBSCA - Solicitation Letter USA

(BBSCA) BARANGAY BALSAHAN SENIOR CITIZEN ASSOCIATION
BALSAHAN,NAIC,CAVITE 02/08/09
SA AMING MGA KABARANGAY BALSAHAN :

Sa ngalan po ng natatag na (BBSCA) Barangay Balsahan Senior citizen association , ang amin pong taus pusong pagpupugay at malugod na pagbati sa inyong lahat , lalong lalo na sa senior citizen nating mga kanayon ,ngayon ay naninirahan diyan sa ibang bansa .

Totoo pong ang Panginoong Diyos ay kumikilos ngayon sa ating barangay balsahan at naniniwala po tayo na walang imposible kapag siya ang nagpasya para sa ating lahat . At sa di inaasahan , naganap ngayon ang malaking pag-asa at pangarap na matagal na ring hinahanap natin sa ating nayon ,ang pagkakaisa ,pagsasamasama lalo na sa mga matatanda na tinatawag nating mga SENIOR CITIZEN ng ating barangay . Nabuo at natatag ang samahang ito ika-14 ng Oktubre 2008 at nahalal bilang Presidente si Ginoong Lito P. Reyes na isa rin palang senior citizen na .

Mula ng matatag ito ,dalawang nabuong Options (1 & 2) para sa Resolution # 001 ang naipasa na, matapos ang masusing talakayan at pag-aaral . Mga patakaran at alituntunin para sa kapakanan ng mga kasapi at maging sa ating mga kabarangay . Naging abot kamay na tulong sa mga kasapi lalo na sa mga wala pang IDS noon at ngayon ay bagong Federation ids ng buong samahan ng naic . Benipisyong tulong para kay lolo at lola mula sa katas ng vat ,programa buhat sa local govt units at national . Funeral aid na tulong buhat din sa ating pamahalaan para sa pagdating ng takip-silim ng ating mga senior citizen, ang paglisan o pagpanaw. Mga kaalamang noon ay walang kamalayan sa ating barangay . Maliit man ito ngunit mahalaga at malaki na rin lalo na sa mga aba nating kanayon .

Ngayon kitang-kita lalo na sa mga dating magkaaway, di nagbabati o nag-uusap ay malugod at masayang nagbibigayan ng opinion at kuro-kuro para sa samahan. Patunay lamang na ang Diyos ay sadyang kumikilos at buhay na buhay para sa ating mga senior citizen ng balsahan .
Dahil dito , bilang kasapi ng pangkalahatang samahang senior citizen ng bayan ng naic , ang BBSCA na kakatawan sa karangalan ng balsahan ay malugod pong kumakatok ng inyong pag-unawa at suportang pinansyal para sa pang-uniporming maaaring magamit sa mga representasyon ng BBSCA sa mga pangkalahatang pagtitipon at sa iba pang mahahalagang okasyong pang senior citizen ng bayan .

Ang layunin po natin ay maipakita sa ibang samahan, na tayo sa balsahan ay mayroong nagkakaisang pagkilos at nagagawa sa kapakanan ng lahat dito sa atin. Higit pa sa rito ,ay mayroon din kaming maipagmamalaking kabarangay na may bukas na kalooban at laging handang sumuporta para sa BBSCA . Sa inyo pong lahat, salamat po at pagpalain kayo at ang ating mahal na barangay balsahan. Purihin ang Panginoon Diyos ngayon at kaylanman ! .. .. ..

BBSCA PRESIDENT : LITO P. REYES

2009 BARANGAY BALSAHAN REUNION



When: Sept. 5, 2009
10:00 AM -
Where: SAN DIEGO, CA

We will be celebrating the Barangay Balsahan Reunion this year
in San Diego, CA. It will be a potluck. For more information, please call
Ding Reyes at (858)549-8527 or Boyet Lopez at (858)484-4789

AREA COORDINATORS :
SAN DIEGO, CA:

Ding Reyes
11306 Pegasus Ave.
San Diego, CA. 92126
Tel#(858)549-8527

Boyet Lopez
8513 Donaker St.
San Diego, CA. 92129
Tel#(858)484-4789

LOS ANGELES/ORANGE COUNTY :

Tuss Reyes
11060 Gonsalvez Pl.
Cerritos, CA. 90701
Tel#(562)402-5649

NORTHERN CA./BAY AREA :

Jojie Pelina
39 Ervine St.
San Francisco, CA. 94134
Tel#: (415)468-6981

NEW YORK/NEW JERSEY:

Sollie Yumang - (732)249-5954

Tuesday, February 3, 2009

picnic sa may tabing-ilog

Ang Balsahan picnic! Ito ay pangkaraniwang idinadaos, may okasyon man o wala. Sa pagkakataong ito nagpa-operation linis ako sa Balsahan (looban at labasan) na sinamahan ng pag papapinta ng paso. Ito ang naging kabuuan ng hirap at pawis para sa baranggay. Masayang pinagsaluhan ang sinigang na kahit buto-buto lang ay kasiyahan ang naidulot sa bawat isa na masasabing tayo ay taga nayon ng BALSAHAN.(ang video na ito ay kuha sa likod bahay ng kauna-unahang kapitana ng balsahan, kapitana pacing pilpil na nakaugalian nating tawagin ate pacing. pagkatapos ng picnic ay hihiga sa ilalim ng acacia. hayyyyyyyy!!!!! ang picnic sa balsahan, sana'y maulit muli.) ........ Kuya Ding reyes