Tuesday, October 28, 2008

GANITO KAMI NOON... ETO KAMI NGAYON, HINDI KAYO MALILIMUTAN

Mga kanayon taga Balsahan,

Mabuhay at kamusta kayong lahat? Ang kabuuang pahina ng ating sutlanglugar at binubuo ng tatlong pahina sa kasalukuyan, GLOBALSAHAN unang pahina, PERIOD DE CAL(IFORNIA) pangalawang pahina at PAGBABALIK TANAW pangatlong pahina.Minarapat namin ni Delfin gawin itong lima hanggang anim na pahina upang ng sa ganoon ay masiyahan tayog lahat sa mga pangyayaring nakalipas na at mga pangyayari sa kasalukuyan.Subalit ang lahat po na pagdaragdag ng bawat pahina ay hindi po namin magagawa ni Delfin kung wala ang suporta ninyong lahat sa pamamagitan ng pag papadala ng mga alaala ng nakalipas na kayo lamang ang nakakaalam?Ang mga pahinang idaragdag namin ni Delfin ay ang mga sumusunod:

GANITO KAMI NOON: Ang tema po nito ay mga pangayayari na natatandaan ninyo ng panahon kayo ay nasa Balsahan. Mga larawang magkakasama ang tropa, pag lalaro ng softball, basketball.Pagkakabit ng bandera tuwing fiesta (sino ang may hawak ng pagkit at sino ang nagkakabit ng bandera habang nagliligawan?), sino ang nagluluto ng pospas at sino pinakamalakas kumain, ang mga experiensya sa baha, ang picnic sa garden, mga pangyayari sa sakatihan at grandstand.Marami tayong mga nakaraan na masarap gunitain at ibahagi sa ating mga kanayon na matagal ng hindi napapabalik sa ating Balsahan?Sana po ay suportahan ninyo ang ating sutlanglugar sa pamamagitan ng pagbabasa at mga paglalagay ng kumento ng naaayon at hindi makakasakit sa ating mga kanayon.

ETO KAMI NGAYON: Ito po ay mga pangyayari ng bagong henerasyon na sabihin nating mag sampung (10) taoon na nakakalipas. Mga taga Balsahan na hindi inabutan ang kasikatan ng Balsahan sa softball at basketball, mga taga balsahan na lumipat at naging taga balsahan.mga kabataang nag patuloy ng nakalipas na henerasyon ng tunay na mga taga balsahan.Kailangan namin ang suporta ninyo sa pamamagitan ng mga larawan na magkakasama kayo sa balsahan, mga kuwento ng inyong henerasyon at ng makilala namin kayo na ikaw pala ay taga balsahan?Ang TXRD ay masasbi ko na bagong henerasyon samahan at marapat lamang na maibahagi ninyo sa pahinang ito ang samahang nagpaligaya o kasalukuyang nag papaligaya sa inyo.

HINDI KAYO MALILIMUTAN: Ang tema po ng pahinang ito ay huwag natin kalimutan ang mga taong naging bahagi ng ating buhay, mga taong nagpasaya, umaruga, nagmahal, kaibigan at minahal natin ng lubusan.Ang mga taong na sa kapayapaan at kasama ng ating mahal na panginoon sa kabilang buhay.Sa inyong kapahintulutan ay ilalagay namin ni Defin sa pahinang ito ang mga PANGALAN,PALAYAW, KAPANGANAKAN, ARAW NG SUMAKABILANG BUHAY AT EDAD.Hindi po namin ito milalathala kung wala kayong kapahintulutan.Mangyari po lamang na ipadala sa aking E-mail address balsahan2002@yahoo.com ang lahat ng inyong suporta at pahintulot sa mga na banggit na idaragdag na pahina sa ating sutlanglugar.
MARAMING SALAMAT PO

SI DING PA RIN PO

No comments: