noong ginawa ko ang blogsite para sa tropang txrd force, ( http://www.txrdforce4110.blogspot.com/ , ang blogsite para sa tropa ko sa balsahan) ang mga na-isulat ko doon ay ang mga kwento ng aking kapanahunan at larawan kung saan kasama naming nagkakatuwaan ang ibang taga balsahan. nang aking nilagyan ng mga lumang larawan at kwento ang aming blog, naisipan kong maghanap pa ng ibang maiku-kwento at naalala ko noon kapag may pulong sa balsahan ay mayroong parang trivia contest tungkol sa balsahan para hindi mainip ang mga tao. naalala ko si kuya ding. marami siyang alam kaya't kinuha ko ang e-mail address niya at humiling ako ng mga impormasyon at hindi naman niya ako binigo. mayroon lang siyang komento tungkol sa blog na ginawa ko. at ito naman ay malugod kong tinanggap. siya ay natutuwa at nagkaroon ng parang website ang tropa kasama na ang balsahan. matagal na pala niyang gustong magkaroon ng ganito. at naisip ko tuloy, bakit hindi kaya gumawa ako ng talagang para sa nayon ng balsahan. iyon ang gusto niyang ipahiwatig sa akin. sa pagpapaliwanag niya na yung mga higit na nakatatanda sa aming henerasyon lalu na ang mga nasa ibang bayan hindi na alam o kilala ang mga nasa larawan. para ito sa mga kanayon natin na nasa ibang panig ng mundo o tinawag niyang GLOBAL BALSAHAN. doon ko na nakuha an pamagat ang www.globalsahan.blogspot.com . sinabi niya sa akin na marami siyang maiaambag sa ikagaganda ng blog na ito. nagpapasalamat ako sa kanya sa mga payo at mga impormasyon para sa ikagaganda nito. at nang maipakita ko sa kanya ang aking ginawa , ito ay nagustuhan niya.
kung mapapansin ninyo tamang-tama ang imahe ng background ng blogsite na ito na parola na nagtuturo ng daan pabalik sa ating pinagmulan.
sana ay magustuhan ninyo ang munting handog naming ito. kayo ang aming inspirasyon. sana ay magkabuklod-buklod tayo at sumapi na din para sa higit na ikagaganda nito. maraming salamat po . . .
No comments:
Post a Comment