Saturday, October 18, 2008

kalatas / pa-anyaya

Sa aking mga ka-nayon taga-Balsahan,

Isang masayang pagbati sa inyong lahat! Ako po sa Ding Reyes na lalong kilala sa Balsahan na "ding period". Hindi na ako mag papaligoy-ligoy at tatalakayin ko na ang punto ng aking mensahe sa inyong lahat. Ako po at si Delfin Gutierrez ay gumawa sutlanglugar ( web-logsite) para sa nayon ng Balsahan. Ang layunin ay upang magkalapit-lapit ang pinaglayong pagsasama natin na may mga pansariling kadahilanan. Sa pamamagitan po ng sutlanglugar na ito ay ating masasariwa ang mga nakalipas ng tunay na Balsahan. Dito po ay atin din matutunghayan ang pang-kasalukuyan nangyayari sa paligid ng Balsahan. Sa mga planong pang-nayon ay makakasali tayo sa usapan kung tayo ay sang-ayon o hindi sa anumang balakin pang-kasayahan, proyekto o paghahanda sa anumang kalamidad na hindi natin inaasahan.

Ang amin lamang pong hinihiling ay ang partisipasyon ng mga taga-balsahan na tangkilikin ang sutlanglugar nating ito. Dito ay makapag-lalagay kayo ng anumang kumento ng hindi makakasakit sa damdamin ng nakararami o pinag-uukulan ng kumento. Mga kumentong itama ang maling pangalan, lugar, pangyayari o larawan na ilalagay namin ni Delfin. Maari din kayo magpadala ng mga lumang larawan (kung maari ay iyong mga black & white na larawan noong araw sa Balsahan) ng inyong pamilya sa kuryenteng liham(e-mail) ko o sa kuryenteng liham ni Delfin ( dmgtxrd4z@yahoo.com ) at kami na ang bahalang humango (upload) sa ating sutlang lugar. Mangyari lamang na limitahan muna natin ang mga larawan ipapadala ninyo sa kadahilanang ang oras ng paglalagay sa lugar ay baka hindi namin makayanan mailagay ng sabay-sabay, kaya limitahan muna nating sa mga 5-6 na larawang luma ng may temang balsahan ang paligid at mga tauhan dito. Samahan na din ng pamagat at paliwanag kung ano ito at kung sino-sino ang nasa larawan.

Matutunghayan din natin ang aking "PAGBABALIK-TANAW SA NAYON NG BALSAHAN" na sasalihan ng bawat isa sa atin, sapagkat ang pagbabalik-tanaw na ito ay mga katanungan ang TAAL na taga BALSAHAN lamang ang may kasagutan. Ngayon pa lamang ay simulan na ninyo ang paghahanap ng mga lumang larawan at ibahagi ito sa ating sutlanglugar. Kapag nagpadala na kayo ng inyong impormasyon ay ibahagi ninyo ang maigsing talambuhay (autobiography) ng orihinal o kasalukuyang pamilya ninyo. Pipilitin namin ni Delfin mailagay ang talambuhay ninyo kundi man agaran (asap) ay sa mga susunod na araw. Ang puntiryang panahon (target date) para mailabas o mapalutang (float) sa umandar na linya (online) ay mga unang bahagi ng Nobyembre ng taong kasalukuyan. Sa kadahilanang ang iba sa atin ay nasa halos iba't-ibang parte ng mundo, ang sutlanglugar na ito ay binansagan ko ng GLOBAL at dinugtungan at ginawa ni Delfin ng GLOBAL-SAHAN. Ang kabuuang pangalan ng sutlanglugar ay malalaman ng lahat sa lalong madaling panahon kapag nakalikom na kami ng sapat na impormasyon mula sa inyong lahat. Maraming salamat po at nawa'y pagpalain tayo ng Panginoon. Mabuhay ang Balsahan, tayo ay magkaisa.

Ako po si DING!!

No comments: