Thursday, November 27, 2008
kauna-unahang tricycle sa bayan ng naic
ito sila noon. . . .
Tuesday, November 25, 2008
PERIOD·de·CAL(alifornia) : (BBSCA) Barangay Balsahan Senior Citizen Association
(BBSCA) Barangay Balsahan Senior Citizen Association
Paglalahad at Mungkahing Katitikan sa pulong na ginanap noong Nov. 8, 2008 Sa Brgy. Day Care Center.
* Nagsimula ang pulong ganap na ika-9 ng umaga sa pambungad na panalangin ng Presidente G. Lito Reyes.
* Sinundan ng pagpapakilala ng simbulo na BBSCA o Barangay Balsahan Senior Citizen Assn. At ang mungkahing titulo ng presidente para sa proyekto, “Abuloy Mo! Tulong Ko!” na kaagad inaprubahan ng lahat. Na ang ibig sabihin, bawat abuloy ng miyembro, tulong mo para sa sarili mo, nakatulong ka pa sa kapwa miyembro mo.
* Nilakad ng presidente and paksang tatalakayin ukol sa ikagaganda at ikabubuti ng BBSCA.
* Mahinahong ipinaliwanag ng presidente na tayo ay iilang panahon na lamang sa mundo at darating at darating ang hindi inaasahan sa bawat isa – ang kamatayan. Kung kaya’y ito’y dapat paghandaan lalo na sa mga mahihirap sa ating barangay.
* Ito rin ang nagbunsod ayon sa presidente na makagawa ng isang mahalagang bagay para sa lahat ng senior citizen ng barangay Balsahan na magpapaalaala sa mga susunod pang mga Senior Citizen ng Balsahan.
* Detalyadong ipinaliwanag ng presidente ang operation sa pagbibigay ng mga halimbawa katulad ng mga sumusunod:
A. Na ang bawat miyembro ay magbibigay ng halagang P50 singkuwenta pesos kada buwan hanggang sa panahon ng operation at kanyang makakayanan.
B. Na inaasahang hindi lahat ay makakapagbigay ng P50 kada buwan dala ng kanilang kalalagayan.
C. Na magiging pabor sa mga makakakumpleto ng kontribusyon kaya hinihimok ang lahat na makakumpleto din.
* Nagbigay din ng halimbawa ang Presidente sa magiging takbo ng operasyon.
Ex. P50 per member x 12 mos. = P 600.00 (yearly)
If we have 50 members x 50 = P 2,500.00 (monthly)
50 members x P 600 = P 30,000.00 (yearly)
* What to be benefit in case of death?
A. To return all contributions plus 5% of the total funds of BBSCA. (If your contribution is completed
B. To return only the no. of months or years plus 3% of the total funds of BBSCA (If not completed)
* Kaya iminungkahi ng presidente na maging kumpleto ang kontribusyon upang maging buo din ang tatanggaping benipisyon. Isinaalang-alang din ng presidente ang kalalagayan ng ibang kasapi.
* Buong linaw ding ipinaliwanag ng presidente ang ilang mga katanungang dapat sagutin at maintindihan ng lahat kasama na ang pag-aapura nito sa susunod na pulong:
A. Sino ba ang kuwalipikadong makasapi sa BBSCA?
B. Paano kung lihitimong taga Balsahan ngunit hindi na dito naninirahan?
C. Paano naman kung lumipat lamang dito at hindi naman taga Balsahan?
D. Paano kung tumagal na ng taon at malaki na ang Pondo ng BBSCA, parehas o pareho lang ba ang contribution na dapat ibayad lalo at hindi lihitimong taga Balsahan?
E. Paano kung ang bagong sapi ay siya pang nausa sa mga nagtatag nito?
F. Ang daming paano at bakit na tanong ang dapat pang masagot kaya iminungkahi ng Presidente na mapagaralang mabuti bagot it aprubahan ng lahat.
* Patuloy ding ipinaliwanag ng presidente na kung ang pondo at umabot na sa isang daang libong piso (P 100,000.00) o pataas, pwede na itong gawing 10% o pataas, pwede na itong gawing 10% instead of 5% for the total funds, siempre with the approval of the body.
* Subalit iminungkahi din ng presidente na kung ang pondo ay umabot sa malaking halaga, dapat na maging initial contribution ng mga bagong sasapi ay mayroon ng bracket o limitasyon dapat sundin. Ito ay upang maging favor naman sa mga nauna ng kasapi na nakapag ipon na ng malaking pondo ng association.
* Malinaw ding binigyang diin ng presidente na dalawang magiging asignatory bank deposits, and Tresurero/Ingat-yaman at ang Presidente ng Assn.
* Iminungkahi naman ni G. Deven Reyes na mabigyan ng kopya ang lahat upang maintindihan ang magiging takbo ng operation.
* Naitanong naman ni Gng. Melit Bautista kung pwede makautang sa Assn. sa biglaang pangangailangan o pagkakasakit?
* Sinagot ng presidente and tanong at sinabing hindi pwede sapagkat maaaring tularan ng lahat. At ang unang layunin ng Assn. ay para sa karagdagang gastusin sa paglisan o pagpanaw ng isang miyembrong kasapi at wala ng iba pa.
* Binanggit din ni G. Deven Reyes na ang mga taga Balsahang mga Senior Citizens nasa ibang bansa ay posibleng sumapi din sa BBSCA hindi upang makakuha din ng benepisyo inaasam ng ating mga mahihirap na Senior Citizen ng Balsahan kundi ang makatulong at makapag ambag ng biyayang kaloob ng Diyos sa kanila.
* Sinundan ito ng paliwanag ng presidente na napakagandang mungkahi ni G. Deven Reyes at naniniwala ang presidente na 100% na susuporta at magbabahagi ang ating Senior Citizen na nasa abroad.
* Nasiyahan ang mga nagsidalo sa naging pulong.
* Pahabol na hiniling ng Presidente na manalangin ang lahat na ito ay maisakatuparan sa taong papasok 2009.
* Ang pulong ay natapos ganap na 10:45 ng umaga.
________________
(SGD.) LITO P. REYES
Wednesday, November 12, 2008
ala-ala ng kamusmusan
Pumarada ang Saulog malapit sa simbahan ng Naic sa harap ng basketball court malapit sa paupahan ng bisikleta ni Tuin na dikit ang bahay sa pader ng Mababang Paaralan ng Naic, hmm, maraming puno ng akasya doon.
Nagdudumaling tumayo ang babaing kasama ko at binitbit ang mga pinamili sa Divisoria , "Hoy Gil tulungan mo ako dito", atas ng babae." Opo", sabay bitbit ko ng basyong kahon na kulay puti na paglalagyan ng saya para sa darating na prusisyon. Naic na, ani ko sa isip ko, habang humahakbang pababa sa matarik na baytang ng Saulog.
Pagbaba ko, ipinatong ko sa ulo ko ang basyong kahon na kulay puti na malaki pa yata sa akin. Habang naglalakad pauwi ng Balsahan, natanaw ko ang kiosko (plano pa lang noon na gawin ang plaza), kulay pink ang pintura, kupas na at marami ng butas at basag ang mga poste at gilid, huwag mo ng isama ang amoy. Nagkalat ang mga paninda at mga pinagkainan ng pakwan, dumi ng tao at hayop sa mga gilid. Kasama na kong kumakain doon, libre lang, nangnenenok kami ng pakwan. Lalakad lang kami ng kalaro ko na pareho kong nanlilimahid sa gilid ng palengke o sa mga nagtitinda, kapag nalingat ang tindera sisipain ang pakwan na nakakalat sa karsada, tatakbo kami at pupulutin ang pakwan. Muli, tatakbo kami sa kiosko at ibabagsak ang pakwan para mabiyak upang makain, mainit-init pa. Masama iyon, pero ano ba ang alam ng isang bata na ang alam ay maglaro, kumain at matulog. Pinatawad na ako ng Diyos. Sabi nga sa Bibliya, “Walang sinuman ang matuwid, lahat ay nagkasala”. Subalit ang lahat ay may kapatawaran sa pamamagitan ng pagtanggap natin sa Panginoong Hesus.
Malapit na kami sa kiosko ng may makasalubong na matabang babae ang babaeng kasama ko. "Hoy Salud ano ba balita?" At nagsimula na ang walang katapusang kuwentuhan. Hinihila ko sa damit ang babaeng kasama ko, paramdam sa kanya na umuwi na tayo, pero tumingin lang sa akin ng matalim. Naubos na ang kalahating oras bago nagpaalaman ang dalawa. Naglakad na ulit kami, paglapas ng kiosko bago pumasok sa palengke, may nakasalubong na naman na babaeng payat. Kung ano ang haba ng paghihintay ko sa nauna, ganoon din sa pangalawa. Hay hirap, masakit na ang ulo ko sa kahong nakapatong sa ulo ko, masakit pa betlog ko. Binagtas namin ang loob ng palengke patungo sa hagdang bato ng Balsahan na kung tawagin ay “paso”, siyempre, may mga nangungumusta sa mga nakakasalubong ng babaeng kasama ko. Para namang langgam ito, sa isip-isip ko. Ang langam kasi kapag may nakakasalubong na kapwa langgam, parang naguusap na tila ba nagkukumustahan. Pagbaba ng paso, napadaan naman kami sa upuang kawayan (di pa sementado ang daan) sa harap ng bahay ni Ate Nene. Dito na natapos ang lahat, umupo na ang kasama kong babae at dinakdakan na ng kuwento. Aniya, "Gil iuwi mo itong pinamili". "Opo", nakailang balik ako para iuwi ang mga pinamili. Matinis na tinig at tawanan ang naririnig ko habang patuloy sila sa pagkukuwetuhan habang bumabangka ang babaeng kasama ko. Sa mata ng isang musmos, wala problema sa buhay at palaging masaya sa lugar na aking sinilangan… ang Balsahan.
Sa huling balik ko tinawag ko ang kasama kong babae at inaya kong kumain. Mauna na kayo at susunod na ako, sagot niya. Matapos ang isang oras saka pa lang sumunod at umupo sa hapag kainan upang kumain ng hapunan at pagkakain ay nahiga at umidlip. Pasado alas-dose ng gabi, naalimpungatan ako sa tunog ng makina at sinilip ko ang babaeng kasama kong lumawas ng Divisoria. Andoon siya sa makina at nanahi, suot ang salamin, nakayuko at kurkubada ang likod. Muli akong bumalik sa pagtulog, paggising ko sa umaga, andoon pa rin siya at nanahi sa ganoon pa ring posisyon. "Di na ho ba kayo natulog?" Tanong ko. "Hindi na at kaylangan kasi ito ni Salud ngayon", sagot nya. Di na ako kumibo at naligo na ako para sa maghanda sa pagpasok sa Mababang Paaralan ng Naic. Umuwi ako ng tanghali at nadatnan ko na nanahi pa rin siya, sipag naman ng babaeng ito, sa isip-isip ko. "Kumain na ho ba kayo? "Tanong ko. "Hindi pa, tatapusin ko na ito bago ako kumain". Maya-maya ay pumuwesto na sa hapag kainan ang babaeng kasama kong lumuwas ng Divisoria at kumain ng pananghalian. Pagkakain ay nahiga sa sala set at pumikit ang mata, dahil siguro sa pagod at puyat. Muli naghanda ako sa pagpasok sa eskuwela, hindi na ko nakapagpaaalam sa kanya dahil humihilik na siya.
Paguwi ng hapon galing sa eskuwela, nadatnan ko naman na nagdidilig siya ng halaman. Sa isip ko, wala yatang kapaguran ang babaeng ito… ang babaeng ito na kung tawagin ko ay NANAY.
Epilogue:
Sa mura kong isipan pinilit kong intindihin ang mga bagay na ginagawa ng nanay ko. Bakit di kami nagkakausap na madalas? Bakit di niya ako kinukuwentuhan? Bakit lagi siyang nanahi at kung di nanahi ay nasa Munisipyo ng Naic? Bakit di niya ako niyayakap? Bakit wala kaming baon ni Jesse sa eskuwela? Bakit butas ang short namin ni Jesse at hindi matahi gayong mananahi siya? Bakit kaylangang isuot namin ulit ang nahubad ko ng damit para lang may maisuot? Bakit lagi siyang nagpupunta sa Munsipyo? Bakit kaylangang ilabas niya sa kulungan si Pileng na kapatid ni Totoy at Puti? Bakit kaylangan naming manahi ng bulaklak para may pambaon ako? Bakit masakit ang betlog ko? Bakit lagi na lang akong pinagsasaing? Bakit di ko naririnig sa kanya ang salitang “Anak mahal kita”? Mahal ba ako ng nanay ko? Sa mura kong isipan, marami akong tanong na di ko masagot at kung masagot man ng panahon na iyon, siguro ay di ko pa rin lubusang mauunawaan…musmos pa nga ako.
Sa paglipas ng panahon ay unti-unti kong nakita ang pagkahukot ng likod ni Nanay, pagkulubot ng mukha, pagbagal ng lakad, pagputi ng buhok at paggaralgal ng boses. Wala na ang dating tinis ng boses niya sa pagkukuwentuhan sa kanyang mga kaibigan, parang pagod na siya…tumatanda na si Nanay.
Tumatanda na nga si Nanay at kaming magkakapatid ay nagsilaki naman. Unti-unti sa aking paglaki, nakita ko ang mga bagay na kanyang ginagawa na naging pundasyon ng pananaw ko sa buhay at ng aking pagkatao, siguro pati na ng mga kapatid ko. Minsan lang siyang magsalita sa amin, mga pahayag ng kaalaman at karunungan na hanggang ngayon ay aming pinakikinabangan. Ipinakita niya sa amin ang kanyang kasipagan, minsan niyang binanggit sa akin, “Tamad lang ang nagugutom”. Sa mga ginagawa niya, nakita ko ang kahalagahan ng pagtitiyaga, muli naalala ko ang sinabi niya, “Kapag dumating ang opurtunidad, hawakan at alagaan mo, pagtiyagaan mo dahil iyan ang simula ng iyong paglago”. Natutunan ko kung ano ang kahulugan ng respeto sa sarili, wika niya sa akin, “Huwag kang kakain at magsusuot ng damit na hindi mo pinaghirapan at pinagpawisan, kung ibinibigay sa iyo, kuhanin mo at magpasalamat, pero huwag na huwag mong kukuhanin o aariin ang hindi sa iyo”. Sa kanyang pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan, nakita ko ang kumpiyansa niya sa sarili niya na kung minsan ay nabibigyan ng ibang kahulugan ng ibang tao na mayabang. Natutunan ko ito at nagamit sa pakikipagusap at argumento sa ibat-ibang klase ng tao. Sa paggawa ko ng gawaing bahay, natutunan ko na paghahanda ito sa hinaharap upang matutunan kong tumayo sa sarili kong paa. Higit sa lahat, nakita ko kung paano niya tulungan ang sarili niya at kapwa niya, isang bagay ang tinandaan ko na sinabi niya, “Kung gusto mong makatulong sa kapwa, tulungan mo muna ang sarili mo dahil kahit kaylan hindi kayang tumulong ng isang mahina, magpalakas ka muna”.
Minsan-minsan ko lang siyang nakitang umiyak, matapang siya hindi sa pakikipag-away sa kapwa, kundi kung paano siya humarap sa mga suliranin at kung paano niya ipahayag ang kanyang mga opinyon,. Malakas siya hindi dahil sa kanyang pangangatawan, kundi kung paano siya bumangon kapag nadapa at bumangon muli kapag muling nadapa, hindi basta-basta sumusuko si Nanay. Ito ang mga bagay na natutunan ko sa aking Nanay na nagpatibay ng aking pagkatao at kung paano humarap sa mga hamon ng buhay, siguro ganoon din sa aking mga kapatid. Ito ang mga bagay na nagpapatunay na “Mahal ako ng Nanay ko”. Ito ang Nanay ko sa mata ng isang anak, ang Nanay ko na kung tawagin sa Balsahan ay Kapitana, Ate Pacing, Pacing at Mama Anying. Ikaw, may alaala ka ba ng Nanay ko?
The End
kapitana
matalino at magaling siyang pinuno . siya ay magaling makisama at iginagalang ng lahat ng kanyang nasasakupan. kapitana kung tawagin siya sa balsahan, siya ay aming inspirasyon sa larangan ng pamumuno at pakikisama. marami siyang naituro sa amin na hanggang ngayon ay amin pa ring na-isasagawa sa aming buhay kaya't hindi namin siya malilimutan.
ang mahalagang nagawa niya sa nayon ng balsahan ay ang pagpasamiyento ng kalsada ng balsahan. hanggang ngayon ito ay atin pa ring napapakinabangan. nanghingi siya ng pondo mula sa mga matataas na nanunungkulan sa pamahalaan. materyales ang kanyang nahingi at sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong o bayanihan ng mga taga-balsahan , ito ay nagawa .
marami siyang talento. maganda ang kanyang tinig at magaling siyang umawit. sabi nga aking nanay, noong araw ay laging naiimbitahan si kapitana sa mga awitan. kapag may mga pagpupulong at may mahalagang panauhin , hinihilingan din siyang umawit.
siya din ay nananahi ng mga gown at bestida. marami siyang tinatahian . mga damit pang kasal, kaarawan, mahahalagang okasyon at pang-sagala ang kanyang tinatahi. siya ang tumatahi para sa mga mayayaman sa naic na talaga namang magaganda.
(ang larawan ay kuha noong piyesta ng san isidro labrador sa balsahan.)
Sunday, November 9, 2008
taga-balsahan ako : pinakamataas na posisyon na naabot ng isang taga-balsahan
ipinagmamalaki ng mga taga balsahan si kuya berto nazareno, simple lang siyang mamamayan sa balsahan pero isa sa may mataas na posisyon sa Kongreso ng Republika ng Pilipinas. Isa siyang secretary general.
ayon sa :
The Officials of the House of Representatives
The Secretary General
"THE SECRETARY-GENERAL carries out and enforces orders and decisions of the House; keeps the Journal of each session; notes all questions of order together with the decisions thereon; complete the printing and distribution of the Records of the House and submits to the Speaker all contracts and agreements approval; acts as the custodian of the property and records of the House and all other government property in its premises. Subject to the supervision control of the Speaker, the Secretary General is the immediate chief of the personnel of the House and is responsible for the faithful and proper performance of their official duties. Like the Speaker, the Secretary General is elected by a majority vote of all the Members at the commencement of each Congress."
napakalaki ng trabaho niya sa ating kongreso kaya't saludo kami sa kanya. eto pa ang ilang impormasyon niya sa kongreso ayon kay Romie Evangelista ng Manila Standard Today:
Thursday, November 6, 2008
paboritong awitin at mang-aawit
karagdagang pahina: TAGA-BALSAHAN AKO
Wednesday, November 5, 2008
balsahan river
brgy. balsahan project : repair and maintenance of paso
Ito ang paso noong 1996. Sira-sira na ito. Pinintahan ito nang malapit na ang pista ng bayan ng Naic sa pangunguna ni kuya ding reyes.
Makikita sa larawan ang paggagawa ng railings o harang sa ating paso.(picture courtesy of brgy. capt. gerald sugue)
Tuesday, November 4, 2008
period-de-cal senior citizen
"sa pitak pong ito ay pwede ninyong ipadala sa amin ni delfin sa pamamagitan ng email kung ano man ang inyong nais na ipasabi o ipaalam bukod sa mga komento at puna. pwede ninyong sabihin dito ang mga gawain (activities), talaan ng mga gawain (schedule) sa mga susunod na araw na gusto ninyong iparating sa iba pang mga kanayon natin. pwede din po ipabalita ang mga pangyayari (events) at ibang balita(news) sa balsahan man o saan mang lugar sa buong mundo kung saan may taga-balsahan, ito po ay ating ilalathala, . . ."
nagkaroon ng pulong at eleksiyon ng opisyal ng senior citizen sa Balsahan noong October 12, 2008.
ito ang minutes ng meeting ng mga senior citizen sa brgy. balsahan:
(first senior citizen meeting and election held at the new building of balsahan, "daycare center ng balsahan" yet to be known as "Victorio and Lydia Reyes Hall" built last 2007, with the allocation fund of Congressman Jesus Crispin "boying" Remula , thru the effort Brgy. Capt. Gerald Sugue).
(pictures courtesy of Brgy. Balsahan Capt. Gerald Sugue.)
komento at reaksiyon
minarapat naming ilathala ang inyong mga pasabi at kami ay natutuwa sa inyong patuloy na pagtugay-gay sa ating sutlanglugar. harinawa ay hindi ito ang huli nating pag-niig ngunit simula ng isang masayang pagsasama . maging kaiga-igaya at maganda nawa ang ating sinimulan. maging magkatarato sana tayo sa anumang magagandang layunin para sa ating lahat lalung-lalu na sa ating nayon ng balsahan. patnubayan tayong lahat ng Panginoon.
REAKSYON AT KOMENTO:
MULA KAY GIL PILPIL...
Kuya Ding,
"Ako ay namangha sa mga matalinhaga mong pananalita. Alalaong baga, nanariwa sa aking isipan ang panahon na iyon na kung tawagin ako ay golti (itlog) dahil sa aking luslos (hernia). Buwisit na Joji Pelina at Pepe Ramirez na yan, walang ginawa kundi tuksuhin ako, he, he, he. Nawa ay matuloy ang mga planong ito at maabot ang layuning mapagisa tayo kahit man lamang sa kuryenteng liham (gusto ko yon a!). Sumainyo nawa ang ating Panginoong Hesus."
Gil
MULA KAY BUNNY RONQUILLO...
Hi Ding:
"Ang lalim naman ng mga tagalog mo pero ok ah. Akala ko pangit na ang pangalan kong Bonifacio pero yun pala ay meron pa palang mas pangit pakinggan tulad ng sa yo. He he he joke joke joke only. Si Banny ito immigrant ng Balsahan dahil sa asawa kong si Myrna at secretarya pa niya. Ok ung idea ninyo kaya more power to both of you. Nandito ako ngayon sa Pinas enjoying myself. Hope to see you soon. "
Banny
MULA KAY GERRY TOLENTINO...
"Excellent job! Very touching music! We are proud of you Pare!
Regards and have a nice day! Gerry and Evelyn Tolentino"
MULA KAY MYRNA ALZAGA...
"Good morning, Ding! Thanks again! I am making sure I respond now-
"kudos"
to both of you. Great job! This is the beginning of a continuing bond,
celebration of heritage and culture of all of us from Balsahan. Keep up the
good work!
Have a great day!"
Myrna P. Alzaga,ChE
Director, Program Support Division
Environmental Management Department/S-7
MCAS Miramar
PO Box 452001
San Diego, Ca. 92145
Telephone: (858) 577-6115
FAX: (858) 577-4200
E-mail: Myrna.Alzaga@usmc.mil
MULA KAY BOYET LOPEZ...
jake/delfin,
"attached are pictures which you may want to put on the balsahan
website. kudos to both of you. you guys are doing a good job."
MULA KAY JOJIE PELINA ...
"GOOD JOB PARE AND TO DELPIN, THIS IS GREAT, GOOD LUCK. . ."