Tuesday, November 4, 2008

period-de-cal senior citizen

periodical (adj.): meaning"published at regular intervals, as weekly, etc."

"sa pitak pong ito ay pwede ninyong ipadala sa amin ni delfin sa pamamagitan ng email kung ano man ang inyong nais na ipasabi o ipaalam bukod sa mga komento at puna. pwede ninyong sabihin dito ang mga gawain (activities), talaan ng mga gawain (schedule) sa mga susunod na araw na gusto ninyong iparating sa iba pang mga kanayon natin. pwede din po ipabalita ang mga pangyayari (events) at ibang balita(news) sa balsahan man o saan mang lugar sa buong mundo kung saan may taga-balsahan, ito po ay ating ilalathala, . . ."


nagkaroon ng pulong at eleksiyon ng opisyal ng senior citizen sa Balsahan noong October 12, 2008.

ito ang minutes ng meeting ng mga senior citizen sa brgy. balsahan:





Republic of the Philippines
Province of Cavite
Municipality of Naic
Barangay Balsahan


Ganap na pinatawag ang mga Senior Citizen noong Oct. 12, 2008 sa ganap na alas 4:00 pm ng hapon sa Brgy. Daycare Center.



Mga Dumalo:


1. Carmelita Reyes 2. Constancia Marquez
3. Sonia Punzalan 4. Teresita Macapagal
5. Eva Pascual 6. Erlinda Ilog
7. Julita Nazareno 8. Abelardo Arcega
9. Ernesta Pinco 10. Alfredo Del Rosario
11. Pacita Cayas 12. Marciano Amazona
13. Danilo Atienza 14. Reynaldo Garcia
15. Rodolfo Valenzuela 16. Amparo Miranda
17 Margarita Valenzuela 18. Alejandro Juliano
19. Remedios Lopez 20. Mila Del Rosario
21. Zenaida Juliano 22. Zanty Repil
23. Josphine Maborrang 24. Lucy Dela Cruz
25. Leonor Pinco 26. Luz Gutierrez
27. Herminigildo Del Rosario 28. Miguel TaƱag
29. William Todavia 30. Avelina Toribio
31. Julieta Unawa 32. Lito Reyes



Sinimulan ang pulong sa pamamagitan ng isang panalangin sa pangunguna ni Mr. Lito Reyes.


Sinundan ng pagpapaliwanag ni Kapt. Gerald J. Sugue kung bakit biglaan ang pagpapatawag ng pulong para sa mga Senior Citizen.


Ipinaliwanag nya na magkakaroon ng Election of officers na kakatawan sa Brgy. Balsahan o magtatatag ng isang samahan para sa matatanda.


Kasunod nito ang pagpapakilala ni Kgg. Darryl Sunga sa panauhing pandangal na si Mr. TerasingPoblete, Pangulo ng buong Senior Citizen ng Naic.


Bago simulan ang Election of Officers,naitanong muna ni Mr. Lito Reyes sa pangulo ng Senior Citizen kung ano ang magiging papel ng mahahalal na pangulo ng Senior Citizen ng Brgy. Balsahan.


Ayon sa pangulo ng Senior Citizen, ang isang pangulo ay nahalal bilang pinagkakatiwalaan at gagawa ng mga bagay kung paano mapapaangat ang kanilang samahan at ito'y walang sweldo, ito'y sakripisyo, isang Organisasyon para maisaayos ang baranggay, at ang pangulo ang magbibigay kung ano ang nararapat at hindi nararapat gawin ng isang matanda.


Nasabi nya din ang karapat-dapat na maging isang pangulo ay isang tao na may malawak ang isip, matalino, marunong makipag-kapwa, may pang-unawa at may mabuting kalooban.


Nasabi naman ni Mr. Lito Reyes na magandang paliwanag ang kanilang narinig sa pangulo ng Senior Citizen, nasabi niya na isang malaking karangalan ang magkaroon ng isang Organisasyon para sa mga nakatatanda at pagkakataong ito muling maglalapit ang loob ng isa't-isa.


Ang Senior Citizen na may edad na 60years old pataas ay may benepisyo na 20% discount sa gamot , 20% discount sa pamasahe at marami pang iba.


Matapos ang mahabang talakayan, sinimulan na ang Election of Officers.



Mga napili o nanalo na mamumuno sa mga matatanda:


President: LITO REYES


Vice- President: DANNY ATIENZA


Secretary: AMPARO MIRANDA


Treasurer: JOSEPHINE MABORRANG


Auditor: CARLO TORIBIO


PRO: ABELARDO ARCEGA


CARMELITA REYES


Sgt.-at-arms: RENE GARCIA


WILLIAM TODAVIA


ALFREDO DEL ROSARIO



Matapos ang Election of Officers, isa-isang nagsalita at nagpasalamat ang mga nahalal na Officers ng Senior Citizens.



Nagpasalamat din si Kapt. Gerald Sugue at ang mga bumubuo ng konseho sa panauhing pandangal at sa mga Senior Citizen na dumalo at nakiisa upang makapag-talaga ng isang samahan o Organisasyon sa mga nakatatanda.



At ang pulong ay natapos sa ganap na 6 pm ng gabi.

(first senior citizen meeting and election held at the new building of balsahan, "daycare center ng balsahan" yet to be known as "Victorio and Lydia Reyes Hall" built last 2007, with the allocation fund of Congressman Jesus Crispin "boying" Remula , thru the effort Brgy. Capt. Gerald Sugue).
(pictures courtesy of Brgy. Balsahan Capt. Gerald Sugue.)

No comments: