Wednesday, November 5, 2008

brgy. balsahan project : repair and maintenance of paso

Si Kapitan Gerald Sugue ang ating kasalukuyang kapitan ng Barangay Balsahan. Marami siyang proyekto sa ating nayon . Isa na dito ang pagsasa-ayos ng "paso" o hagdanang bato papuntang lumang palengke. Sa pamamagitan ng pondo ng barangay ay kanyang napagawa ang mga railings o harang sa kabilang panig ng hagdan.


Ito ang paso noong 1996. Sira-sira na ito. Pinintahan ito nang malapit na ang pista ng bayan ng Naic sa pangunguna ni kuya ding reyes.

Ito naman ang paso na maayos na ang mga baytang at may isang railing lang at may poste na din ng ilaw. Sa termino nina kapitan nayong dela cruz ito ginawa sa pamamagintan ng pondo ni board member toto unas ng probinsiya ng kabite na isa ding taga-balsahan at si kuya bot jacob ang namahala. sa termino ni kapitana naty pisig, ito ay pinananatiling maayos. at sa termino ni kapitan gerald sugue ay ginawang magkabila na ang railings.


Ito na ngayon ang paso na may magkabilang railings. (picture courtesy of Brgy. capt. gerald sugue)

Makikita sa larawan ang paggagawa ng railings o harang sa ating paso.(picture courtesy of brgy. capt. gerald sugue)

No comments: