si kapitana pacing ay naging kapitana sa balsahan. pacita montano pilpil ang tunay niyang pangalan. ang palayaw niya ay kapitana, pacing at mama anying. ang kanyang asawa ay si amado sevillano pilpil. ang kanyang mga anak ay sina pepe(sln) , amor, alma, rafaelito (sonny), ruby, gil at jessie. maganda ang kanyang pagpapalaki sa kanyang mga anak. tinuruan niya sila na magtiwala sa sariling kakayanan at hindi umasa sa iba. napag-paaral niya ang kanyang mga anak sa sariling sikap at sa pagpupunyagi din ng kanilang mga sarili. at ngayon, ito ay kanilang tinatamasa.
matalino at magaling siyang pinuno . siya ay magaling makisama at iginagalang ng lahat ng kanyang nasasakupan. kapitana kung tawagin siya sa balsahan, siya ay aming inspirasyon sa larangan ng pamumuno at pakikisama. marami siyang naituro sa amin na hanggang ngayon ay amin pa ring na-isasagawa sa aming buhay kaya't hindi namin siya malilimutan.
ang mahalagang nagawa niya sa nayon ng balsahan ay ang pagpasamiyento ng kalsada ng balsahan. hanggang ngayon ito ay atin pa ring napapakinabangan. nanghingi siya ng pondo mula sa mga matataas na nanunungkulan sa pamahalaan. materyales ang kanyang nahingi at sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong o bayanihan ng mga taga-balsahan , ito ay nagawa .
marami siyang talento. maganda ang kanyang tinig at magaling siyang umawit. sabi nga aking nanay, noong araw ay laging naiimbitahan si kapitana sa mga awitan. kapag may mga pagpupulong at may mahalagang panauhin , hinihilingan din siyang umawit.
siya din ay nananahi ng mga gown at bestida. marami siyang tinatahian . mga damit pang kasal, kaarawan, mahahalagang okasyon at pang-sagala ang kanyang tinatahi. siya ang tumatahi para sa mga mayayaman sa naic na talaga namang magaganda.
(ang larawan ay kuha noong piyesta ng san isidro labrador sa balsahan.)
Wednesday, November 12, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment