Thursday, November 27, 2008
kauna-unahang tricycle sa bayan ng naic
ito sila noon. . . .
Tuesday, November 25, 2008
PERIOD·de·CAL(alifornia) : (BBSCA) Barangay Balsahan Senior Citizen Association
(BBSCA) Barangay Balsahan Senior Citizen Association
Paglalahad at Mungkahing Katitikan sa pulong na ginanap noong Nov. 8, 2008 Sa Brgy. Day Care Center.
* Nagsimula ang pulong ganap na ika-9 ng umaga sa pambungad na panalangin ng Presidente G. Lito Reyes.
* Sinundan ng pagpapakilala ng simbulo na BBSCA o Barangay Balsahan Senior Citizen Assn. At ang mungkahing titulo ng presidente para sa proyekto, “Abuloy Mo! Tulong Ko!” na kaagad inaprubahan ng lahat. Na ang ibig sabihin, bawat abuloy ng miyembro, tulong mo para sa sarili mo, nakatulong ka pa sa kapwa miyembro mo.
* Nilakad ng presidente and paksang tatalakayin ukol sa ikagaganda at ikabubuti ng BBSCA.
* Mahinahong ipinaliwanag ng presidente na tayo ay iilang panahon na lamang sa mundo at darating at darating ang hindi inaasahan sa bawat isa – ang kamatayan. Kung kaya’y ito’y dapat paghandaan lalo na sa mga mahihirap sa ating barangay.
* Ito rin ang nagbunsod ayon sa presidente na makagawa ng isang mahalagang bagay para sa lahat ng senior citizen ng barangay Balsahan na magpapaalaala sa mga susunod pang mga Senior Citizen ng Balsahan.
* Detalyadong ipinaliwanag ng presidente ang operation sa pagbibigay ng mga halimbawa katulad ng mga sumusunod:
A. Na ang bawat miyembro ay magbibigay ng halagang P50 singkuwenta pesos kada buwan hanggang sa panahon ng operation at kanyang makakayanan.
B. Na inaasahang hindi lahat ay makakapagbigay ng P50 kada buwan dala ng kanilang kalalagayan.
C. Na magiging pabor sa mga makakakumpleto ng kontribusyon kaya hinihimok ang lahat na makakumpleto din.
* Nagbigay din ng halimbawa ang Presidente sa magiging takbo ng operasyon.
Ex. P50 per member x 12 mos. = P 600.00 (yearly)
If we have 50 members x 50 = P 2,500.00 (monthly)
50 members x P 600 = P 30,000.00 (yearly)
* What to be benefit in case of death?
A. To return all contributions plus 5% of the total funds of BBSCA. (If your contribution is completed
B. To return only the no. of months or years plus 3% of the total funds of BBSCA (If not completed)
* Kaya iminungkahi ng presidente na maging kumpleto ang kontribusyon upang maging buo din ang tatanggaping benipisyon. Isinaalang-alang din ng presidente ang kalalagayan ng ibang kasapi.
* Buong linaw ding ipinaliwanag ng presidente ang ilang mga katanungang dapat sagutin at maintindihan ng lahat kasama na ang pag-aapura nito sa susunod na pulong:
A. Sino ba ang kuwalipikadong makasapi sa BBSCA?
B. Paano kung lihitimong taga Balsahan ngunit hindi na dito naninirahan?
C. Paano naman kung lumipat lamang dito at hindi naman taga Balsahan?
D. Paano kung tumagal na ng taon at malaki na ang Pondo ng BBSCA, parehas o pareho lang ba ang contribution na dapat ibayad lalo at hindi lihitimong taga Balsahan?
E. Paano kung ang bagong sapi ay siya pang nausa sa mga nagtatag nito?
F. Ang daming paano at bakit na tanong ang dapat pang masagot kaya iminungkahi ng Presidente na mapagaralang mabuti bagot it aprubahan ng lahat.
* Patuloy ding ipinaliwanag ng presidente na kung ang pondo at umabot na sa isang daang libong piso (P 100,000.00) o pataas, pwede na itong gawing 10% o pataas, pwede na itong gawing 10% instead of 5% for the total funds, siempre with the approval of the body.
* Subalit iminungkahi din ng presidente na kung ang pondo ay umabot sa malaking halaga, dapat na maging initial contribution ng mga bagong sasapi ay mayroon ng bracket o limitasyon dapat sundin. Ito ay upang maging favor naman sa mga nauna ng kasapi na nakapag ipon na ng malaking pondo ng association.
* Malinaw ding binigyang diin ng presidente na dalawang magiging asignatory bank deposits, and Tresurero/Ingat-yaman at ang Presidente ng Assn.
* Iminungkahi naman ni G. Deven Reyes na mabigyan ng kopya ang lahat upang maintindihan ang magiging takbo ng operation.
* Naitanong naman ni Gng. Melit Bautista kung pwede makautang sa Assn. sa biglaang pangangailangan o pagkakasakit?
* Sinagot ng presidente and tanong at sinabing hindi pwede sapagkat maaaring tularan ng lahat. At ang unang layunin ng Assn. ay para sa karagdagang gastusin sa paglisan o pagpanaw ng isang miyembrong kasapi at wala ng iba pa.
* Binanggit din ni G. Deven Reyes na ang mga taga Balsahang mga Senior Citizens nasa ibang bansa ay posibleng sumapi din sa BBSCA hindi upang makakuha din ng benepisyo inaasam ng ating mga mahihirap na Senior Citizen ng Balsahan kundi ang makatulong at makapag ambag ng biyayang kaloob ng Diyos sa kanila.
* Sinundan ito ng paliwanag ng presidente na napakagandang mungkahi ni G. Deven Reyes at naniniwala ang presidente na 100% na susuporta at magbabahagi ang ating Senior Citizen na nasa abroad.
* Nasiyahan ang mga nagsidalo sa naging pulong.
* Pahabol na hiniling ng Presidente na manalangin ang lahat na ito ay maisakatuparan sa taong papasok 2009.
* Ang pulong ay natapos ganap na 10:45 ng umaga.
________________
(SGD.) LITO P. REYES
Wednesday, November 12, 2008
ala-ala ng kamusmusan
Pumarada ang Saulog malapit sa simbahan ng Naic sa harap ng basketball court malapit sa paupahan ng bisikleta ni Tuin na dikit ang bahay sa pader ng Mababang Paaralan ng Naic, hmm, maraming puno ng akasya doon.
Nagdudumaling tumayo ang babaing kasama ko at binitbit ang mga pinamili sa Divisoria , "Hoy Gil tulungan mo ako dito", atas ng babae." Opo", sabay bitbit ko ng basyong kahon na kulay puti na paglalagyan ng saya para sa darating na prusisyon. Naic na, ani ko sa isip ko, habang humahakbang pababa sa matarik na baytang ng Saulog.
Pagbaba ko, ipinatong ko sa ulo ko ang basyong kahon na kulay puti na malaki pa yata sa akin. Habang naglalakad pauwi ng Balsahan, natanaw ko ang kiosko (plano pa lang noon na gawin ang plaza), kulay pink ang pintura, kupas na at marami ng butas at basag ang mga poste at gilid, huwag mo ng isama ang amoy. Nagkalat ang mga paninda at mga pinagkainan ng pakwan, dumi ng tao at hayop sa mga gilid. Kasama na kong kumakain doon, libre lang, nangnenenok kami ng pakwan. Lalakad lang kami ng kalaro ko na pareho kong nanlilimahid sa gilid ng palengke o sa mga nagtitinda, kapag nalingat ang tindera sisipain ang pakwan na nakakalat sa karsada, tatakbo kami at pupulutin ang pakwan. Muli, tatakbo kami sa kiosko at ibabagsak ang pakwan para mabiyak upang makain, mainit-init pa. Masama iyon, pero ano ba ang alam ng isang bata na ang alam ay maglaro, kumain at matulog. Pinatawad na ako ng Diyos. Sabi nga sa Bibliya, “Walang sinuman ang matuwid, lahat ay nagkasala”. Subalit ang lahat ay may kapatawaran sa pamamagitan ng pagtanggap natin sa Panginoong Hesus.
Malapit na kami sa kiosko ng may makasalubong na matabang babae ang babaeng kasama ko. "Hoy Salud ano ba balita?" At nagsimula na ang walang katapusang kuwentuhan. Hinihila ko sa damit ang babaeng kasama ko, paramdam sa kanya na umuwi na tayo, pero tumingin lang sa akin ng matalim. Naubos na ang kalahating oras bago nagpaalaman ang dalawa. Naglakad na ulit kami, paglapas ng kiosko bago pumasok sa palengke, may nakasalubong na naman na babaeng payat. Kung ano ang haba ng paghihintay ko sa nauna, ganoon din sa pangalawa. Hay hirap, masakit na ang ulo ko sa kahong nakapatong sa ulo ko, masakit pa betlog ko. Binagtas namin ang loob ng palengke patungo sa hagdang bato ng Balsahan na kung tawagin ay “paso”, siyempre, may mga nangungumusta sa mga nakakasalubong ng babaeng kasama ko. Para namang langgam ito, sa isip-isip ko. Ang langam kasi kapag may nakakasalubong na kapwa langgam, parang naguusap na tila ba nagkukumustahan. Pagbaba ng paso, napadaan naman kami sa upuang kawayan (di pa sementado ang daan) sa harap ng bahay ni Ate Nene. Dito na natapos ang lahat, umupo na ang kasama kong babae at dinakdakan na ng kuwento. Aniya, "Gil iuwi mo itong pinamili". "Opo", nakailang balik ako para iuwi ang mga pinamili. Matinis na tinig at tawanan ang naririnig ko habang patuloy sila sa pagkukuwetuhan habang bumabangka ang babaeng kasama ko. Sa mata ng isang musmos, wala problema sa buhay at palaging masaya sa lugar na aking sinilangan… ang Balsahan.
Sa huling balik ko tinawag ko ang kasama kong babae at inaya kong kumain. Mauna na kayo at susunod na ako, sagot niya. Matapos ang isang oras saka pa lang sumunod at umupo sa hapag kainan upang kumain ng hapunan at pagkakain ay nahiga at umidlip. Pasado alas-dose ng gabi, naalimpungatan ako sa tunog ng makina at sinilip ko ang babaeng kasama kong lumawas ng Divisoria. Andoon siya sa makina at nanahi, suot ang salamin, nakayuko at kurkubada ang likod. Muli akong bumalik sa pagtulog, paggising ko sa umaga, andoon pa rin siya at nanahi sa ganoon pa ring posisyon. "Di na ho ba kayo natulog?" Tanong ko. "Hindi na at kaylangan kasi ito ni Salud ngayon", sagot nya. Di na ako kumibo at naligo na ako para sa maghanda sa pagpasok sa Mababang Paaralan ng Naic. Umuwi ako ng tanghali at nadatnan ko na nanahi pa rin siya, sipag naman ng babaeng ito, sa isip-isip ko. "Kumain na ho ba kayo? "Tanong ko. "Hindi pa, tatapusin ko na ito bago ako kumain". Maya-maya ay pumuwesto na sa hapag kainan ang babaeng kasama kong lumuwas ng Divisoria at kumain ng pananghalian. Pagkakain ay nahiga sa sala set at pumikit ang mata, dahil siguro sa pagod at puyat. Muli naghanda ako sa pagpasok sa eskuwela, hindi na ko nakapagpaaalam sa kanya dahil humihilik na siya.
Paguwi ng hapon galing sa eskuwela, nadatnan ko naman na nagdidilig siya ng halaman. Sa isip ko, wala yatang kapaguran ang babaeng ito… ang babaeng ito na kung tawagin ko ay NANAY.
Epilogue:
Sa mura kong isipan pinilit kong intindihin ang mga bagay na ginagawa ng nanay ko. Bakit di kami nagkakausap na madalas? Bakit di niya ako kinukuwentuhan? Bakit lagi siyang nanahi at kung di nanahi ay nasa Munisipyo ng Naic? Bakit di niya ako niyayakap? Bakit wala kaming baon ni Jesse sa eskuwela? Bakit butas ang short namin ni Jesse at hindi matahi gayong mananahi siya? Bakit kaylangang isuot namin ulit ang nahubad ko ng damit para lang may maisuot? Bakit lagi siyang nagpupunta sa Munsipyo? Bakit kaylangang ilabas niya sa kulungan si Pileng na kapatid ni Totoy at Puti? Bakit kaylangan naming manahi ng bulaklak para may pambaon ako? Bakit masakit ang betlog ko? Bakit lagi na lang akong pinagsasaing? Bakit di ko naririnig sa kanya ang salitang “Anak mahal kita”? Mahal ba ako ng nanay ko? Sa mura kong isipan, marami akong tanong na di ko masagot at kung masagot man ng panahon na iyon, siguro ay di ko pa rin lubusang mauunawaan…musmos pa nga ako.
Sa paglipas ng panahon ay unti-unti kong nakita ang pagkahukot ng likod ni Nanay, pagkulubot ng mukha, pagbagal ng lakad, pagputi ng buhok at paggaralgal ng boses. Wala na ang dating tinis ng boses niya sa pagkukuwentuhan sa kanyang mga kaibigan, parang pagod na siya…tumatanda na si Nanay.
Tumatanda na nga si Nanay at kaming magkakapatid ay nagsilaki naman. Unti-unti sa aking paglaki, nakita ko ang mga bagay na kanyang ginagawa na naging pundasyon ng pananaw ko sa buhay at ng aking pagkatao, siguro pati na ng mga kapatid ko. Minsan lang siyang magsalita sa amin, mga pahayag ng kaalaman at karunungan na hanggang ngayon ay aming pinakikinabangan. Ipinakita niya sa amin ang kanyang kasipagan, minsan niyang binanggit sa akin, “Tamad lang ang nagugutom”. Sa mga ginagawa niya, nakita ko ang kahalagahan ng pagtitiyaga, muli naalala ko ang sinabi niya, “Kapag dumating ang opurtunidad, hawakan at alagaan mo, pagtiyagaan mo dahil iyan ang simula ng iyong paglago”. Natutunan ko kung ano ang kahulugan ng respeto sa sarili, wika niya sa akin, “Huwag kang kakain at magsusuot ng damit na hindi mo pinaghirapan at pinagpawisan, kung ibinibigay sa iyo, kuhanin mo at magpasalamat, pero huwag na huwag mong kukuhanin o aariin ang hindi sa iyo”. Sa kanyang pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan, nakita ko ang kumpiyansa niya sa sarili niya na kung minsan ay nabibigyan ng ibang kahulugan ng ibang tao na mayabang. Natutunan ko ito at nagamit sa pakikipagusap at argumento sa ibat-ibang klase ng tao. Sa paggawa ko ng gawaing bahay, natutunan ko na paghahanda ito sa hinaharap upang matutunan kong tumayo sa sarili kong paa. Higit sa lahat, nakita ko kung paano niya tulungan ang sarili niya at kapwa niya, isang bagay ang tinandaan ko na sinabi niya, “Kung gusto mong makatulong sa kapwa, tulungan mo muna ang sarili mo dahil kahit kaylan hindi kayang tumulong ng isang mahina, magpalakas ka muna”.
Minsan-minsan ko lang siyang nakitang umiyak, matapang siya hindi sa pakikipag-away sa kapwa, kundi kung paano siya humarap sa mga suliranin at kung paano niya ipahayag ang kanyang mga opinyon,. Malakas siya hindi dahil sa kanyang pangangatawan, kundi kung paano siya bumangon kapag nadapa at bumangon muli kapag muling nadapa, hindi basta-basta sumusuko si Nanay. Ito ang mga bagay na natutunan ko sa aking Nanay na nagpatibay ng aking pagkatao at kung paano humarap sa mga hamon ng buhay, siguro ganoon din sa aking mga kapatid. Ito ang mga bagay na nagpapatunay na “Mahal ako ng Nanay ko”. Ito ang Nanay ko sa mata ng isang anak, ang Nanay ko na kung tawagin sa Balsahan ay Kapitana, Ate Pacing, Pacing at Mama Anying. Ikaw, may alaala ka ba ng Nanay ko?
The End
kapitana
matalino at magaling siyang pinuno . siya ay magaling makisama at iginagalang ng lahat ng kanyang nasasakupan. kapitana kung tawagin siya sa balsahan, siya ay aming inspirasyon sa larangan ng pamumuno at pakikisama. marami siyang naituro sa amin na hanggang ngayon ay amin pa ring na-isasagawa sa aming buhay kaya't hindi namin siya malilimutan.
ang mahalagang nagawa niya sa nayon ng balsahan ay ang pagpasamiyento ng kalsada ng balsahan. hanggang ngayon ito ay atin pa ring napapakinabangan. nanghingi siya ng pondo mula sa mga matataas na nanunungkulan sa pamahalaan. materyales ang kanyang nahingi at sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong o bayanihan ng mga taga-balsahan , ito ay nagawa .
marami siyang talento. maganda ang kanyang tinig at magaling siyang umawit. sabi nga aking nanay, noong araw ay laging naiimbitahan si kapitana sa mga awitan. kapag may mga pagpupulong at may mahalagang panauhin , hinihilingan din siyang umawit.
siya din ay nananahi ng mga gown at bestida. marami siyang tinatahian . mga damit pang kasal, kaarawan, mahahalagang okasyon at pang-sagala ang kanyang tinatahi. siya ang tumatahi para sa mga mayayaman sa naic na talaga namang magaganda.
(ang larawan ay kuha noong piyesta ng san isidro labrador sa balsahan.)
Sunday, November 9, 2008
taga-balsahan ako : pinakamataas na posisyon na naabot ng isang taga-balsahan
ipinagmamalaki ng mga taga balsahan si kuya berto nazareno, simple lang siyang mamamayan sa balsahan pero isa sa may mataas na posisyon sa Kongreso ng Republika ng Pilipinas. Isa siyang secretary general.
ayon sa :
The Officials of the House of Representatives
The Secretary General
"THE SECRETARY-GENERAL carries out and enforces orders and decisions of the House; keeps the Journal of each session; notes all questions of order together with the decisions thereon; complete the printing and distribution of the Records of the House and submits to the Speaker all contracts and agreements approval; acts as the custodian of the property and records of the House and all other government property in its premises. Subject to the supervision control of the Speaker, the Secretary General is the immediate chief of the personnel of the House and is responsible for the faithful and proper performance of their official duties. Like the Speaker, the Secretary General is elected by a majority vote of all the Members at the commencement of each Congress."
napakalaki ng trabaho niya sa ating kongreso kaya't saludo kami sa kanya. eto pa ang ilang impormasyon niya sa kongreso ayon kay Romie Evangelista ng Manila Standard Today:
Thursday, November 6, 2008
paboritong awitin at mang-aawit
karagdagang pahina: TAGA-BALSAHAN AKO
Wednesday, November 5, 2008
balsahan river
brgy. balsahan project : repair and maintenance of paso
Ito ang paso noong 1996. Sira-sira na ito. Pinintahan ito nang malapit na ang pista ng bayan ng Naic sa pangunguna ni kuya ding reyes.
Makikita sa larawan ang paggagawa ng railings o harang sa ating paso.(picture courtesy of brgy. capt. gerald sugue)
Tuesday, November 4, 2008
period-de-cal senior citizen
"sa pitak pong ito ay pwede ninyong ipadala sa amin ni delfin sa pamamagitan ng email kung ano man ang inyong nais na ipasabi o ipaalam bukod sa mga komento at puna. pwede ninyong sabihin dito ang mga gawain (activities), talaan ng mga gawain (schedule) sa mga susunod na araw na gusto ninyong iparating sa iba pang mga kanayon natin. pwede din po ipabalita ang mga pangyayari (events) at ibang balita(news) sa balsahan man o saan mang lugar sa buong mundo kung saan may taga-balsahan, ito po ay ating ilalathala, . . ."
nagkaroon ng pulong at eleksiyon ng opisyal ng senior citizen sa Balsahan noong October 12, 2008.
ito ang minutes ng meeting ng mga senior citizen sa brgy. balsahan:
(first senior citizen meeting and election held at the new building of balsahan, "daycare center ng balsahan" yet to be known as "Victorio and Lydia Reyes Hall" built last 2007, with the allocation fund of Congressman Jesus Crispin "boying" Remula , thru the effort Brgy. Capt. Gerald Sugue).
(pictures courtesy of Brgy. Balsahan Capt. Gerald Sugue.)
komento at reaksiyon
minarapat naming ilathala ang inyong mga pasabi at kami ay natutuwa sa inyong patuloy na pagtugay-gay sa ating sutlanglugar. harinawa ay hindi ito ang huli nating pag-niig ngunit simula ng isang masayang pagsasama . maging kaiga-igaya at maganda nawa ang ating sinimulan. maging magkatarato sana tayo sa anumang magagandang layunin para sa ating lahat lalung-lalu na sa ating nayon ng balsahan. patnubayan tayong lahat ng Panginoon.
REAKSYON AT KOMENTO:
MULA KAY GIL PILPIL...
Kuya Ding,
"Ako ay namangha sa mga matalinhaga mong pananalita. Alalaong baga, nanariwa sa aking isipan ang panahon na iyon na kung tawagin ako ay golti (itlog) dahil sa aking luslos (hernia). Buwisit na Joji Pelina at Pepe Ramirez na yan, walang ginawa kundi tuksuhin ako, he, he, he. Nawa ay matuloy ang mga planong ito at maabot ang layuning mapagisa tayo kahit man lamang sa kuryenteng liham (gusto ko yon a!). Sumainyo nawa ang ating Panginoong Hesus."
Gil
MULA KAY BUNNY RONQUILLO...
Hi Ding:
"Ang lalim naman ng mga tagalog mo pero ok ah. Akala ko pangit na ang pangalan kong Bonifacio pero yun pala ay meron pa palang mas pangit pakinggan tulad ng sa yo. He he he joke joke joke only. Si Banny ito immigrant ng Balsahan dahil sa asawa kong si Myrna at secretarya pa niya. Ok ung idea ninyo kaya more power to both of you. Nandito ako ngayon sa Pinas enjoying myself. Hope to see you soon. "
Banny
MULA KAY GERRY TOLENTINO...
"Excellent job! Very touching music! We are proud of you Pare!
Regards and have a nice day! Gerry and Evelyn Tolentino"
MULA KAY MYRNA ALZAGA...
"Good morning, Ding! Thanks again! I am making sure I respond now-
"kudos"
to both of you. Great job! This is the beginning of a continuing bond,
celebration of heritage and culture of all of us from Balsahan. Keep up the
good work!
Have a great day!"
Myrna P. Alzaga,ChE
Director, Program Support Division
Environmental Management Department/S-7
MCAS Miramar
PO Box 452001
San Diego, Ca. 92145
Telephone: (858) 577-6115
FAX: (858) 577-4200
E-mail: Myrna.Alzaga@usmc.mil
MULA KAY BOYET LOPEZ...
jake/delfin,
"attached are pictures which you may want to put on the balsahan
website. kudos to both of you. you guys are doing a good job."
MULA KAY JOJIE PELINA ...
"GOOD JOB PARE AND TO DELPIN, THIS IS GREAT, GOOD LUCK. . ."
Thursday, October 30, 2008
ako ba ito?
Tuesday, October 28, 2008
hindi kayo malilimutan
for in heaven, you'll always be happy,
you'll always stay and remembered in our hearts,
'till the day we see each other again . . .
one day soon . . . till next life . . .
. . . vete en paz mi querida amada,
en el cielo tu seras recondada ,
siempre feliz . . .
tu estaras en nuestros corazones,
hasta que un dia nos volveremos a ver otra ves . . .
una dia hasta pronto . . . hasta la siguiente vida . . .
. . . mapayapa ka aking minamahal na humayo,
dahil sa langit ikaw ay laging maligaya,
mananatili at maaalala ka sa aming puso,
hanggang sa ating muling pagkikita,
sa darating na araw. . . hanggang sa kabilang buhay. . .
Ang pagbabalik-tanaw ni ding sa nayon ng balsahan
Paalala lamang para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, ang pagbabalik-tanaw na ito ay upang maalala natin ang nakalipas na panahon ng tunay at taal na taga balsahan sa pamamagitan ng papaano sila nakilala at binansagan ng pangalan sa sarili o lugar sa balsahan. Ano man o sino man ang mabanggit sa balik-tanaw na ito ay minarapat ko muna na ihingi ng paumanhin sa mga kaanak nito. Atin pong tandaan na ito'y upang ibalik ang ating masayang nakaraan at sama-sama nating ibalik sa ating alaala ang katayuan, kalagayan ng mga taong hindi natin malilimutan. Ang tema po ng pagbabalik-tanaw na ito ay kasali lahat tayo na taga balsahan. Babanggit po ako ng pangalan, ugali o lugar at sino man ang nakakaalam ng tamang kasagutan ay mangyari po lamang ibahagi ninyo ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. I-click sa may bandang ibaba na may nakasulat na KOMENTARYO(Post a Comment) para sa inyong kasagutan o komento.
2. I-type ang sagot sa malaking box na may nakasulat na"POST A COMMENT".
3. I-click naman ang bilog sa bandang ibaba na nakasulat ay"COMMENT AS"at i-click ang NAME/URL. 4. I-type ang pangalan sa kahon ng NAME kung ano ang inyong palayaw o pangalan para sa kaalaman ng lahat.
5. I-click ang "POST COMMENT " para lumabas ang inyong isinulat.
Ilan lamang mga katanungan ang ibabahagi ko sa inyo sa araw araw o linguhan nating pagsasama sa site na ito. Marami pong salamat.
PERIOD-de-CAL(ilifornia)
"dito ay pwede ninyong ipadala sa amin ni delfin sa pamamagitan ng pag-email kung ano man ang inyong nais na ipasabi o ipaalam bukod sa mga komento at puna. pwede ninyong sabihin dito ang mga gawain (activities), talaan ng mga gawain (schedule) sa mga susunod na araw na gusto ninyong iparating sa iba pang mga kanayon natin. pwede din po na ipabalita ang mga pangyayari (events) at ibang balita (news) sa balsahan man o saan mang lugar sa buong mundo kung saan may taga-balsahan, ito po ay ating ilalathala sa pitak na ito . . ."
GANITO KAMI NOON... ETO KAMI NGAYON, HINDI KAYO MALILIMUTAN
Mabuhay at kamusta kayong lahat? Ang kabuuang pahina ng ating sutlanglugar at binubuo ng tatlong pahina sa kasalukuyan, GLOBALSAHAN unang pahina, PERIOD DE CAL(IFORNIA) pangalawang pahina at PAGBABALIK TANAW pangatlong pahina.Minarapat namin ni Delfin gawin itong lima hanggang anim na pahina upang ng sa ganoon ay masiyahan tayog lahat sa mga pangyayaring nakalipas na at mga pangyayari sa kasalukuyan.Subalit ang lahat po na pagdaragdag ng bawat pahina ay hindi po namin magagawa ni Delfin kung wala ang suporta ninyong lahat sa pamamagitan ng pag papadala ng mga alaala ng nakalipas na kayo lamang ang nakakaalam?Ang mga pahinang idaragdag namin ni Delfin ay ang mga sumusunod:
GANITO KAMI NOON: Ang tema po nito ay mga pangayayari na natatandaan ninyo ng panahon kayo ay nasa Balsahan. Mga larawang magkakasama ang tropa, pag lalaro ng softball, basketball.Pagkakabit ng bandera tuwing fiesta (sino ang may hawak ng pagkit at sino ang nagkakabit ng bandera habang nagliligawan?), sino ang nagluluto ng pospas at sino pinakamalakas kumain, ang mga experiensya sa baha, ang picnic sa garden, mga pangyayari sa sakatihan at grandstand.Marami tayong mga nakaraan na masarap gunitain at ibahagi sa ating mga kanayon na matagal ng hindi napapabalik sa ating Balsahan?Sana po ay suportahan ninyo ang ating sutlanglugar sa pamamagitan ng pagbabasa at mga paglalagay ng kumento ng naaayon at hindi makakasakit sa ating mga kanayon.
ETO KAMI NGAYON: Ito po ay mga pangyayari ng bagong henerasyon na sabihin nating mag sampung (10) taoon na nakakalipas. Mga taga Balsahan na hindi inabutan ang kasikatan ng Balsahan sa softball at basketball, mga taga balsahan na lumipat at naging taga balsahan.mga kabataang nag patuloy ng nakalipas na henerasyon ng tunay na mga taga balsahan.Kailangan namin ang suporta ninyo sa pamamagitan ng mga larawan na magkakasama kayo sa balsahan, mga kuwento ng inyong henerasyon at ng makilala namin kayo na ikaw pala ay taga balsahan?Ang TXRD ay masasbi ko na bagong henerasyon samahan at marapat lamang na maibahagi ninyo sa pahinang ito ang samahang nagpaligaya o kasalukuyang nag papaligaya sa inyo.
HINDI KAYO MALILIMUTAN: Ang tema po ng pahinang ito ay huwag natin kalimutan ang mga taong naging bahagi ng ating buhay, mga taong nagpasaya, umaruga, nagmahal, kaibigan at minahal natin ng lubusan.Ang mga taong na sa kapayapaan at kasama ng ating mahal na panginoon sa kabilang buhay.Sa inyong kapahintulutan ay ilalagay namin ni Defin sa pahinang ito ang mga PANGALAN,PALAYAW, KAPANGANAKAN, ARAW NG SUMAKABILANG BUHAY AT EDAD.Hindi po namin ito milalathala kung wala kayong kapahintulutan.Mangyari po lamang na ipadala sa aking E-mail address balsahan2002@yahoo.com ang lahat ng inyong suporta at pahintulot sa mga na banggit na idaragdag na pahina sa ating sutlanglugar.
MARAMING SALAMAT PO
SI DING PA RIN PO
Sunday, October 19, 2008
PERIOD·de·CAL(alifornia) : Balsahan Reunion
"dito ay pwede ninyong ipadala sa amin ni delfin sa pamamagitan ng pag-email kung ano man ang inyong nais na ipasabi o ipaalam bukod sa mga komento at puna. pwede ninyong sabihin dito ang mga gawain (activities), talaan ng mga gawain (schedule) sa mga susunod na araw na gusto ninyong iparating sa iba pang mga kanayon natin. pwede din po na ipabalita ang mga pangyayari (events) at ibang balita (news) sa balsahan man o saan mang lugar sa buong mundo kung saan may taga-balsahan, ito po ay ating ilalathala sa pitak na ito . . ."
mula kay NAICAN (bhoyet lopez) taganaic@yahoo.com :
"Date: Wednesday, October 15, 2008, 11:13 PM
To all,
Kumusta na sa inyong lahat. We are planning on having a Barangay Balsahan
Reunion during the Labor Day weekend next year. We are asking everyone's
opinion on what would be the best date, Sept. 5 or 6, 2009 and where we should
have the reunion. Should we have the reunion at Lakewood, Ca., San Diego, Ca.,
or Bay Area Northern California. Your opinions are well appreciated. "
ang "Pagbabalik-Tanaw" ni Ding sa Nayon ng Balsahan
Paalala lamang para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, ang pagbabalik-tanaw na ito ay upang maalala natin ang nakalipas na panahon ng tunay at taal na taga balsahan sa pamamagitan ng papaano sila nakilala at binansagan ng pangalan sa sarili o lugar sa balsahan. Ano man o sino man ang mabanggit sa balik-tanaw na ito ay minarapat ko muna na ihingi ng paumanhin sa mga kaanak nito. Atin pong tandaan na ito'y upang ibalik ang ating masayang nakaraan at sama-sama nating ibalik sa ating alaala ang katayuan, kalagayan ng mga taong hindi natin malilimutan. Ang tema po ng pagbabalik-tanaw na ito ay kasali lahat tayo na taga balsahan. Babanggit po ako ng pangalan, ugali o lugar at sino man ang nakakaalam ng tamang kasagutan ay mangyari po lamang ibahagi ninyo ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. I-click sa may bandang ibaba na may nakasulat na KOMENTARYO(Post a Comment) para sa inyong kasagutan o komento.
2. I-type ang sagot sa malaking box na may nakasulat na"LEAVE YOUR COMMENT".
3. I-click naman ang bilog sa bandang ibaba na nakasulat ay" Name/URL .
4. I-type ang pangalan sa kahon ng NAME kung ano ang inyong palayaw o pangalan para sa kaalaman ng lahat.
5. I-click ang "PUBLISH YOUR COMMENT " para lumabas ang inyong isinulat.
Ilan lamang mga katanungan ang ibabahagi ko sa inyo sa araw araw o linguhan nating pagsasama sa site na ito. Marami pong salamat.
KATANUNGAN SA PAGBABALIK-TANAW:
1. Saan ang unang boluntaryong labahan ng taga-Balsahan?
2. May dalawang pangtawid-gutom ang nakukuha sa ilog Balsahan galing sa buhangin at putikan. Hindi ito isda o alimango...... ANO ITO?
3. Ang Balsahan ay sumikat hindi lamang sa softball at ganundin sa basketball. Ibigay ang unang naging limang pagsasama (Team) ng Balsahan sa BASKETBALL sa hanay na tama (In order):
Unang samahan......................
Pangalawang samahan............
Pangatlong samahan...............
Pang apat na samahan............
Pang limang samahan.............
4. Taga Balsahan ang kaunahang taga-gawa ng sapatos ng kabayo sa bayan ng Naic. Naglingkod bilang punong taga-bantay sa Naic Elementary School. Habol ka ng itak kapag kumuha ka ng mangga sa garden............SINO SIYA?
Saturday, October 18, 2008
abangan ang paglabas ng GLOBAL-sahan
ABANGAN. . . .
kalatas / pa-anyaya
Isang masayang pagbati sa inyong lahat! Ako po sa Ding Reyes na lalong kilala sa Balsahan na "ding period". Hindi na ako mag papaligoy-ligoy at tatalakayin ko na ang punto ng aking mensahe sa inyong lahat. Ako po at si Delfin Gutierrez ay gumawa sutlanglugar ( web-logsite) para sa nayon ng Balsahan. Ang layunin ay upang magkalapit-lapit ang pinaglayong pagsasama natin na may mga pansariling kadahilanan. Sa pamamagitan po ng sutlanglugar na ito ay ating masasariwa ang mga nakalipas ng tunay na Balsahan. Dito po ay atin din matutunghayan ang pang-kasalukuyan nangyayari sa paligid ng Balsahan. Sa mga planong pang-nayon ay makakasali tayo sa usapan kung tayo ay sang-ayon o hindi sa anumang balakin pang-kasayahan, proyekto o paghahanda sa anumang kalamidad na hindi natin inaasahan.
Ang amin lamang pong hinihiling ay ang partisipasyon ng mga taga-balsahan na tangkilikin ang sutlanglugar nating ito. Dito ay makapag-lalagay kayo ng anumang kumento ng hindi makakasakit sa damdamin ng nakararami o pinag-uukulan ng kumento. Mga kumentong itama ang maling pangalan, lugar, pangyayari o larawan na ilalagay namin ni Delfin. Maari din kayo magpadala ng mga lumang larawan (kung maari ay iyong mga black & white na larawan noong araw sa Balsahan) ng inyong pamilya sa kuryenteng liham(e-mail) ko o sa kuryenteng liham ni Delfin ( dmgtxrd4z@yahoo.com ) at kami na ang bahalang humango (upload) sa ating sutlang lugar. Mangyari lamang na limitahan muna natin ang mga larawan ipapadala ninyo sa kadahilanang ang oras ng paglalagay sa lugar ay baka hindi namin makayanan mailagay ng sabay-sabay, kaya limitahan muna nating sa mga 5-6 na larawang luma ng may temang balsahan ang paligid at mga tauhan dito. Samahan na din ng pamagat at paliwanag kung ano ito at kung sino-sino ang nasa larawan.
Matutunghayan din natin ang aking "PAGBABALIK-TANAW SA NAYON NG BALSAHAN" na sasalihan ng bawat isa sa atin, sapagkat ang pagbabalik-tanaw na ito ay mga katanungan ang TAAL na taga BALSAHAN lamang ang may kasagutan. Ngayon pa lamang ay simulan na ninyo ang paghahanap ng mga lumang larawan at ibahagi ito sa ating sutlanglugar. Kapag nagpadala na kayo ng inyong impormasyon ay ibahagi ninyo ang maigsing talambuhay (autobiography) ng orihinal o kasalukuyang pamilya ninyo. Pipilitin namin ni Delfin mailagay ang talambuhay ninyo kundi man agaran (asap) ay sa mga susunod na araw. Ang puntiryang panahon (target date) para mailabas o mapalutang (float) sa umandar na linya (online) ay mga unang bahagi ng Nobyembre ng taong kasalukuyan. Sa kadahilanang ang iba sa atin ay nasa halos iba't-ibang parte ng mundo, ang sutlanglugar na ito ay binansagan ko ng GLOBAL at dinugtungan at ginawa ni Delfin ng GLOBAL-SAHAN. Ang kabuuang pangalan ng sutlanglugar ay malalaman ng lahat sa lalong madaling panahon kapag nakalikom na kami ng sapat na impormasyon mula sa inyong lahat. Maraming salamat po at nawa'y pagpalain tayo ng Panginoon. Mabuhay ang Balsahan, tayo ay magkaisa.
Ako po si DING!!
Thursday, October 16, 2008
Ang "Pagbabalik-tanaw" ni Ding sa nayon ng Balsahan
Paalala lamang para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, ang pagbabalik-tanaw na ito ay upang maalala natin ang nakalipas na panahon ng tunay at taal na taga balsahan sa pamamagitan ng papaano sila nakilala at binansagan ng pangalan sa sarili o lugar sa balsahan. Ano man o sino man ang mabanggit sa balik-tanaw na ito ay minarapat ko muna na ihingi ng paumanhin sa mga kaanak nito. Atin pong tandaan na ito'y upang ibalik ang ating masayang nakaraan at sama-sama nating ibalik sa ating alaala ang katayuan, kalagayan ng mga taong hindi natin malilimutan. Ang tema po ng pagbabalik-tanaw na ito ay kasali lahat tayo na taga balsahan. Babanggit po ako ng pangalan, ugali o lugar at sino man ang nakakaalam ng tamang kasagutan ay mangyari po lamang ibahagi ninyo ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. I-click sa may bandang ibaba na may nakasulat na KOMENTARYO(Post a Comment) para sa inyong kasagutan o komento.
2. I-type ang sagot sa malaking box na may nakasulat na"LEAVE YOUR COMMENT".
3. I-click naman ang bilog sa bandang ibaba na nakasulat ay" Name/URL .
4. I-type ang pangalan sa kahon ng NAME kung ano ang inyong palayaw o pangalan para sa kaalaman ng lahat.
5. I-click ang "PUBLISH YOUR COMMENT " para lumabas ang inyong isinulat.
Ilan lamang mga katanungan ang ibabahagi ko sa inyo sa araw araw o linguhan nating pagsasama sa site na ito. Marami pong salamat.
"MABUHAY AT MAGKAISA PO TAYO SA BALSAHAN. "
DING PERIOD
KATANUNGAN SA PAGBABALIK-TANAW:
1. Ano ang tunay na pangalan ng Lola Tinay?
2. Sino o ano ang pangalan ng asawa ng Lola Tinay?
3. Anong edad ng mamayapa ang Lola Tinay?
4. Ano ang bansag o tawag sa Lola Tinay at bakit?
5. Sino o ano ang pangalan ng anak ng Lola Tinay?
6. Ano at paano nakilala ang Lola Tinay sa Pilipinas?
7. Mag bigay ng 2-3 hobby o kasiyahang gingawa ng Lola Tinay?
8. May paboritong unan ang Lola Tinay, ano ito?
ABANGAN PA ANG MGA SUSUNOD NA PAGBABALIK TANAW........DING!
DING "PERIOD" 's SHORT AUTOBIOGRAPHY
Narito ang e-mail sa akin ni kuya ding at nais kong ibahagi sa inyo:
"DELFIN,
Kamusta na? ok na ok ang site ng GLOBALSAHAN! sa palagay ko magiging maganda at panimula ito ng muling paglalapit sa isat isa ng ating mga ka nayon na dala ang isipan sa takbo ng pamumulitika. sana sa pamamagitan ng ating site ay maibahagi natin sa kanila na tayong mga taga BALSAHAN ay nayon ng pag kakaisa. May mga komento ako sa mga na isulat mo na sa site natin at ito ay bibigyan ko ng pansin upang maituwid natin ng hindi ma offend ang others? I will directly e-mail you sa mga corrections na dapat nating gawin. Una ay i will help you research sa mga sinauna ng BALSAHAN such as oiginal name ng BALSAHAN, original at TAAL na taga BALSAHAN.Kasi na pansin ko delfin na may mga names ka sa site natin na hindi taga balsahan kundi nanirahan lamang sa balsahan. we will mention them also but in the late parts na ng ating kwento.What i'm saying now is unahin natin young sino ba ang taga BALSAHAN?
Don't worry at i'll try my best to make the research as we go on. Ksama dito ang kaunting part ng life ko pati na ang kasalukuyang pamilya ko.Lagyan mo na lamang ng mga wordings ng ang ibabahagi ko ang "PAGBABALIK TANAW SA NAYON NG BALSAHAN" sa mga darating na araw.Maraming salamat def at na isip mo ang ma ishare sa ating mga kanayon ang nakalipas na panahon upang ang mga kasalukuyang henerasyon ay mamulat sa nakaraan na hndi dapat malimutan ng mga tag BALSAHAN. I like t borrow one title in a movie....................GANITO KAMI NOON, ANO KAYO NGAYON?
"Kuya Ding."
bilang pasasalamat sa kanya, minarapat kong ilagay sa blog na ito ang ilang bahagi ng talambuhay at impormasyon ng ating tagapayo at punong-patnugot na si kuya ding "period" paman reyes.
PANGALAN:
PORFIRIO FERNANDO PAMAN REYES,
Nag-grade 1 sa mabini elementary school manila, grade 2-4 sa naic elementary school at grade 5-6 at nakapagtapos ng elementarya sa project 6 elementary school sa quezon city. Nakapagtapos ako ng high school sa Far Eastern University at nag-aral sa U.E. ng college sa loob ng dalawang taon. I was under graduate sa kadahilanang dumating ang petisyon ko mula sa kapatid ko si kuya ceasar. Sabay kaming umalis ng kuya Tuss papuntang america noong July 1969. I join the United States Airforce in 1970 working as a Fuel specialist and made rank up to mastersergeant (E-7). I retired sa Airforce noong Oct 1990 with honorable discharge after more than 20 yrs. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ako sa Miramar Marine base dito sa San Diego Calif. Ang trabaho ko ay katulad din ng nasa Airforce ako as Fuel specialist sa mga U.S.Marine Aircraft.
PALAYAW: Ding, Period, Chikiting gubat, Jake ng naglalaro ako ng basketball sa team ng St. Jude. Binansagan din akong IMBUDO ni Andoy Ibanez dahil harang daw ang tenga ko, Fernandu kung tawagin ng tropa nila BEN NAVASA(SLN)
PETSA NG KAPANGANAKAN: Jan 18, 1950
LUGAR: BALSAHAN
AMA: Alipio Canta Reyes na taga Silang, Cavite, pinaka-unang
Balsahan nayon treasurer sa panahon ni Kapitan Anastasyo (Tasyo) Arieta, manager Naic Electric 1950. Nagtayo ng pangalawa sa na-unang istasyon ng gasolina (SHELL) sa bayan ng Naic. Presidente ng kauna-unahang samahang pistola ng Naic ( Naic Gun Club) at sa kabilang ibayo, tabi ng bahay ng Kaka Unti ang Target range. Ipinanganak noong agosto 15, 1908 at namayapa noong septyembre 29, 2005 sa edad na 97.
INA: Trinidad Paman Reyes na taga BALSAHAN, namulatan ko na puro hanapbuhay ang inatupag ng nanay ko. mag-babakal, mag-iisda, tindera sa tindahan. Nanay Trining made Balsahan famous as the 1st Fish Consignatory sa bayan ng NAIC. Ang tawag nga ni Major ("Memeng", SLN) sa nanay ay ang "SERENA" .Ipinanganak noong Febrero 9, 1904 at namayapa nooong Febrero 25, 1999 sa edad na 95.
ASAWA:SUSAN BAJADO REYES, my beautiful wife of 30 + years, may lahing balsahan pero taga davao. With BS Behavioral Science at kasalukuyang Registered Nurse sa Scripps Memorial Hospital, San Diego Ca.
MGA ANAK:
SHERWIN-Graduated with a major in Psychology, teaching credential with a masters in education, alumnus san diego state university. Currently at her 9th year teaching 4th and 5th grade at Long Beach Unified School Ca. Working on her second masteral degree to be a principal one day. Married to Anthony Walker of Utah.
PAOLO- nag tapos ng kolehiyo sa San Diego State University Major in Graphic Design. Kasalukuyang nagtatrabaho bilang Freelance Graphic Designer. Married to Judy Lopez of San Diego with a beautiful 1 month old baby boy (MATHEUS) na kasing pogi ng lolo ding.
CARLO- Nakapagtapos sa Long Beach State University with Masters in
Physical Therapy, Post-graduate Doctorate in Physical Therapy, practicing physical therapy in Los Angeles Ca. Very much single 29 years old, pogi din tulad ni period.
The REYES family on nanay 80th birthday 1984, fr left to right: DING PERIOD, kuya TUSS, kuya RENE, kuya CEASAR, kuya JR, tatay OLEP, at ZENY, nanay TRINING, kuya VIC sa alaala ng nanay at tatay, kuya DEVEN, kuya BANIE and kuya LITO.
The REYES Family christmas eve noche buena 1957, fr left to right: kuya RENE, kuya VIC (SLN), DING PERIOD, LITA (behind me, daugther of kuya JR.),ate AURING wife of kuya JR, kuya CEASAR, my TATAY OLEP (standing), my NANAY TRINING, kuya JR, kuya TUSS, kuya LITO, JOSE JAVIER ( JJ panganay na anak ng ate ZENY & kuya FRED), ate ZENY, kuya FRED asawa ng ate ZENY, kuya BANIE, kuya DEVEN.